Tuesday, December 15, 2009

lungkot



Saan ko ba ilulugar sarili ko? Ano ang pwede ko sabihin at gawin na walang makakapansin? Sa lahat na lang ng ikinikilos ko, at sinasabi, lahat napupuna.. Hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ko alam kung sino paniniwalaan ko. Ang alam ko sa magkakaibigan nagtutulungan at nagdadamayan, hindi yung kung ano-ano ang sinasabi pag nakatalikod ka. Sa panahon ngayon wala na akong makita na sinasabi sa harap mo. Tapos ano? open forum?? haha!! malalaman mo na lang na naiipon na pala yung mga komento nila. Ilang beses ko na naranasan yun, pero ako may komento ba sakanila?! siguro meron din hindi naman ako nagmamalinis eh. Gusto ko lang na kahit papaano mailabas yung sama ng loob ko. Kasi pag ginawa ko yun may komento, pag ginawa ko yan may komento, pag nanahimik ako may komento. San ako lulugar?! Hindi ako nagagalit, masama lang loob ko at gusto ko umiyak, sana lang kung may hindi maganda sakin sabihin na lang kaysa yung pinapatagal, ang malala pa nyan hindi ko alam na pinag-uusapan na pala ako pag di ako nakaharap. Pero ano pa ba ang magagawa ko. Parang sakin lang lahat, minsan nga parang gusto ko ng mapag-isa para wala akong naririnig na kung anu-ano. Sila ba masaya pag ginagawa nila sakin yun. Nararamdaman ba nila kung ano nararamdaman ko?! Minsan hindi ko na din sila maintindihan. At sa oras na ito, nahihirapan ako.

Saturday, December 12, 2009

Luha at Pag-ibig sa kauri

Luha ang sumisimbolo sa nararamdaman ng tao, kapag siya ay masaya lalo na kapag siya ay nasasaktan dahil sa isang taong minamahal halos di makayanan ang sakit na dulot nito. Alam kong abnormal na magmahal sa kauri. Alam ko din na malaking pagkakamali at napakalaking kasalanan ang magmahal sa kapwa babae. Siguro nga hindi tanggap sa lipunan, pero matuturuan mo ba ang puso kung sino ang dapat mahalin? kung sino ang dapat isipin? Isa lang ako sa mga kababaihan na nagmamahal sa kauri. Dumating nalang ang araw na bigla na lang siyang dumating sa buhay ko, at ng mga panahong iyon may lalaki akong gusto, pero lahat yun naglaho nang makilala ko siya, naging magkaibigan kami, sobrang lambing nya sakin, na hindi ko pwedeng ikaila na may umuusbong na pagmamahal. Sa bawat ngiti at tawa nya ay nagbibigay sigla sakin, nagbibigay ng dahilan para pumasok sa klase, pero ang masakit ay ang katotohanang may iba na siya. Ang swerte nung isa kasi mahal sya ng mahal ko, kung ako sana yun, gagawin ko lahat, hindi ko sya pagmumukhaing tanga, hindi ko sya ikakahiya, kahit kelan hindi sasaktan at higit sa lahat ay ipagmamalaki at ipagsisigawan pa. Nang dumating yung araw na hindi ko na kinaya sinabi ko sakanya ang nararamdaman ko, at dahil dun medyo nailang ako walang rejection na nangyari pero nahihiya ako sakanya at minsan nakakaramdam ng pagseselos pag kasama nya yung isa, di ko alam kung ano ba nagiging hitsura ko kapag kaharap ko sila, alam ko nagmumukha akong tanga at kawawa kaya minsan tinitingnan ko yung mahal ko sa mata habang nakatingin din sya sakin, hindi ko alam kung iiyak ako, ngingiti o patay malisya nalang, pero mas pinipili kong umalis kunwari may bibilhin o may pupuntahan saglit. Hanggang sa dumating yung araw na kinatatakutan ko, uminom kami, nalasing ako at sa di inaasahan nawala na ako sa katinuan, ngayon tuluyan na kami hindi nagpapansinan, kapag nakakasalubong ko sya sa school, mas lalo lang akong nasasaktan, hindi ko malaman ang gagawin, kung alam lang nya na sobrang miss ko na sya, na gusto ko na ibalik yung dati naming samahan, nahihirapan na ko ng sobra.. Solusyon ba ang palagiang pag-inom para kahit papaano ay makalimot? Minsan nga hindi na ako pumapasok sa klase para lang wag ako mahirapan, para makaiwas sa sakit na alam ko pag nakita ko sya ay masasaktan lang ako. Kung alam lang nya na may blog ako para sakanya. Gusto ko lang ilabas dito lahat-lahat ng sakit na nararamdaman ko. Gusto ko lang na malaman nya na mahal na mahal ko sya, pero kahit anong gawin ko, kahit pa siguro umiyak ako maghapon at kahit palagi ako malungkot hindi na maaayos ang dati naming pagsasamahan. Hanggang tingin na lang ako kapag dumadaan sya, hanggang pakinig na lang ako pag tumatawa sya, sa ganung bagay masaya na ako sabi ko nga sakanya "basta okay sya, okay na din ako." At tulad ng sabi nya sakin "nandito lang ako para sa'yo." Paano na ako ngayon? Mayayakap ko pa ba sya? Makakasama? Makakakwentuhan? Makakabiruan? Napakahirap magpanggap na masaya ka na kahit alam mo sa loob mo na gusto mo na umiyak dahil para kang pinapatay unti-unti sa sobrang sakit. Ang hirap ngumiti, ang hirap tumawa, ayoko ng magsinungaling. Kelan nya kaya ako tatawagin ulit na "ANNE!" nahihirapan na ako, hindi ko na kaya. Gusto ko na maging maayos ang lahat. Patawarin mo ako, hindi ko sinasadya. Alam mo isa lang ang direksyon ng buhay ko laging papunta at pabalik sayo. Matutulog na naman ako na may luha sa mga mata, hanggang kelan ito papatak? ikaw lang ang makakapagpahinto nito at alam ko kaya mo ito palitan ng luha ng kaligayahan. Mahal kita ng higit pa sa akala kong kaya ko. Sana mabasa mo ito. I want to say SORRY I want you, to know I care, I want to say I'm blind, for seeing someone that wasn't there, I should have been more trusting and listened to my heart coz you're the only thing and its tearing me apart. I really missed the way you hold my hand/s, the way you look at me, the way you care and the way you smile it really means a lot to me. They say "time heals all wounds" if that is true, then I guess mine go deeper than pain. There are no words to choose over loosing you. I guess I found out too late and now all I feel is heartbreak that only hurts when I breathe.. And now 1 question still linger... Where do broken hearts go?

Friday, December 4, 2009

Alak



.. bakit lagi namumutawi sa mga kabataan ang salitang "toma?", ano ang meron? kadalasan tanong ng nakakararami pag may nagyaya, at ang kadalasang sagot "may problema", palagi na lang bang ganun? alak ba ang kasagutan sa lahat ng problema? nakakawala sa huwisyo ang alak, makakalimutan mo ito habang ikaw ay tumatagay, puro saya ang mararanasan, puro tawa ang maririnig, masasayang kwento at walang kamatayang halakhak.. pero sa oras na wala ng alak at wala ng pambili ng alak dun lang maiisipan ang huminto, at sa kabila nun makakaramdam ng sakit sa ulo, pagsusuka at pagewanggewang sa paglalakad. Kinabukasan pag gising mo nararamdaman mo ang sakit sa ulo, kirot sa puso, kasama na ang problema ng kahapon na pinipilit mong takasan hanggang ngayon. Gusto ko lang ibahagi ang mga bagay na aking naiisip. Hindi masama ang pag inom pero sana wala kang pilit na kinakalimutan na kahit sandali sa iyong kahapon.